^

Punto Mo

‘Pahayag ng PAGCOR tungkol sa Slot Machine System, Ticket in Ticket out (TITO)’

- Tony Calvento - Pang-masa

KINAKALAWANG na makina. Makaluma at mabagal na sistema. Sa ating modernisasyong panahon ngayon hindi na uso ang ganitong mga pamamaraan. Marami ng mga teknolohiyang makapagbibigay ng mas mabilis at magandang takbo ng mga makina. Sa mga pagbabagong ito hindi rin mawawala ang mga isyung sisira sa mga taong gusto lamang ay mapaunlad ang kanilang negosyo. Isa na ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), ang ahensyang  nasangkot umano sa malaking isyu tungkol sa kanilang mga bagong system. Nais iwasto ng PAGCOR ang maling ulat na lumabas patungkol sa Slot Machine System with Ticket in Ticket out (TITO). Namuhunan  ang ahensya sa Slot Machine System (SMS) upang lalo pang mapahusay ang pagpapatakbo ng mga makina para sa karagdagang kita para sa pondo ng ating pamahalaan. Sa kasalukuyan, marahil ang PAGCOR na lamang sa buong mundo ang may Casino operator na gumagamit ng ‘manual system’ sa pagbibigay ng bayad sa mga nanalo, pag-beripika, at pagtatala ng mga impormasyon sa nanalo sa ‘slot machine’. Nangangahulugan lamang ito na kinakailangan ng PAGCOR na paghusayin pa ang kanilang mga sistema sa pamamagitan ng pagkakabit ng ‘electronic slot machine’. Ang pagpapalagay ng sistema ay binigyang konsiderasyon ng ahensya sa pamamagitan ng pagpili sa mga pinakamahuhusay na tao na may kasanayan sa world gaming industry. Sa Pilipinas, ang lahat ng lisensyadong PAGCOR kasama na ang kabubukas pa lamang na Solaire Resort & Casino ay mayroon ng  slot machine system. Habang sa United States ay mahigit 90% ng mga casino ang gumagamit ng TITO-based redemption system. Halos lahat din ng mga casino sa Macao at Singapore ay gumagamit rin ng ganitong sistema. Dahil sa ang TITO-based system ang gamit ng mga world-class casinos na ito sa kanilang slots operation, ito ay hindi tamang sabihing lipas na (obsolete). Nagsumikap ang ahensya na makonekta ang SMS sa 5,083 machines na nilagay sa 18 iba’t ibang casinos/arcades sa buong bansa. Ang sistemang ito ay may ilang mga pinahusay na katangian at ang TITO ay may maliit lamang na parte dito. Ilan sa mga katangian ng sistema ay ang pag-audit, internal controls, financial accounting, monitoring, patron management at marketing modules.  Sa kabuuan ang SMS ang maglilimita ng mga kamalian sa sistema, magbibigay ng mga impormasyon sa manlalaro, higit na kahusayan sa makina at mabigyan ng kakaibang karanasan ang mga manlalaro. Binigyang diin ng ahensya na hindi sila bumili ng single paper/ticket para sa slot machine system na hindi pa nila na-iinstal sa mga casino. Isa pa, ang US$ 0.20 or P8.00 SMS/TITO na halaga ng ticket na lumabas sa balita ay hindi tama dahil ang papel na dapat gagamitin sa system ay nagkakahalaga lamang ng P0.67 centavos kada tiket base sa itinakdang presyo ng taga-suplay ng PAGCOR. Gayundin, ang tantiya ng ahensya ay 10 tiket lamang kada slot machine ang magagamit sa isang araw at mayroong 70% kapasidad sa kasalukuyang mga makina. Ibig sabihin nito na ‘pag ang 5,083 makina ay nakonekta sa SMS, ang ahensya ay gagamit lang ng 35,581 tiket sa isang araw sa buong bansa na nagkakahalaga ng P23,839.00 araw-araw o P8.7 milyong piso kada taon. Hindi rin totoo na ang PAGCOR ay gagastos ng isang hiwalay na halagang P147 milyong piso para sa pag-iimprenta ng mga tiket sapagkat kasama na ito sa kabuuang package na kinuha ng ahensya. Ang ahensya ay isang beses lamang gugugol ng halagang P516.6 milyong piso or US$12.6 million (sa P41 exchange rate) at kabilang na ang pag-iimprenta ng mga tiket. Ito ay isang malaking diperensya mula sa P1.8 bilyong piso na lumabas sa balita. Ipinaliwanag din ng PAGCOR na ang kasinu­ngalingang ipinaratang sa kanila patungkol sa kontrata sa pagitan nila at ng SMS na napabalita ay hindi totoo.  Sa katunayan ay sumailalim sa public bidding ito at ang PAGCOR ay buong tiwalang sumunod sa Republic Act (RA) 9184. Sa kabila ng dalawang bidding na na­bigo para sa SMS ay nagpatuloy pa rin ang ahensya sa pakikipag-ayos upang makuha ang pinakamagandang alok para sa makina. Bukod rito, ang PAGCOR ay matiyagang pinag-aralan ang mga isinumiteng mga ‘sample works’ mula sa mga kwalipikadong supplier ng system. Isa pa sa mga isyung ibinabato sa ahensya ay nakasisira umano ng kapaligiran ang TITO-based system. Ang manual system na ginagamit ng ahensya ay kumukunsumo ng maraming papel ngunit sa pamamagitan ng TITO-based system mababawasan ang pagkonsumo ng mga papel at ‘di na kinakailangan pang mag-manual transaction para sa mga resibo, accounting, income reports at iba pa. Dagadag pa rito, ang TITO-based system daw umano ang maaaring maglagay sa mga manlalaro sa sitwasyong dehado sapagkat madaling perahin ang tiket ng kahit na sinong may hawak. Sa kasalukuyan ay nasa 90% ng mga casino sa buong mundo ang gumagamit ng TITO-based system, ito ay nangangahulugang ang mga manlalaro ay hindi nangangamba at responsable sa ganitong mga sitwasyon. SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, marami ng natulungan ang PAGCOR na iba’t-ibang institusyon. Hindi na bago ang mga ganitong isyung ibinabato sa ahensya sapagkat malaki ang kinikita nito at lubos ang pagtulong sa mga nangangailangan. Ang PAGCOR ay tunay na naglilingkod sa bawat Pilipino kaya ang ganitong mga paratang ay walang katotohanan. Muli ang aming tiwala ay nasa PAGCOR na ang adhikain ay ang tumulong sa kapwa at itaas ang ating bansa sa lahat ng larangan.

PARA SA IBA PANG BA­LITA... NUNG nakaraang linggo ipi­nagdiwang ang â€˜Credit Consciousness Week’ na may temang: “Sa Tamang Paggamit ng Pa­utang, Bayan ang Makikinabang.” Kaisa si kaibigan kong si Cong. Jack Enrile sa paniniwalang isa sa dahilan ng pagka­baon sa utang nating mga â€˜Pinoy’ ay ang mataas na interes sa pautang partikular na sa mga â€˜credit card companies’. Kaugnay nito nag-akda si kaibigang Jack ng House Bill 4819 o Credit Access and Protection Reform Act 2011. Ito ay naglalayong ibaba ang interes o tubo ng mga credit card  mula 3-3.5% interest rate sa 1% interest lang kada buwan. Magiging malaking tulong ito sa mga credit card holders na nagrereklamo sa napakamahal na interes sa kanilang mga natitirang balanse at mataas na â€˜late payment penalties’ na sinisingil sa kanila. Anya ni kaibigang Jack, magi­ging proteksyon ito ng publiko... sa mga abusadong mga â€˜credit card companies’. (KINALAP NI CARLA CALWIT) Ang aming numero 09067578527/09213784392/09213263166 / 09198972854. Landline 6387285 at 24/7 hotline 7104038.  Maari rin kayong pumunta sa 5th floor CityState Centre bldg. 709 Shaw Blvd., Pasig City. Bukas kami mula Lunes-Biyernes.

AHENSYA

ISA

PAGCOR

SYSTEM

TITO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with