‘Parol’ (Last Part)
“Pinagdusahan ko sa bilangguan ang nagawang pagpatay. Nagpakabait ako at makalipas lamang ang ilang taon ay binigyan ako ng parole. Tuwang-tuwa ako. Sabik na sabik kong niyakap ang aking asawa—ang iyong lola—nang ako ay makalaya. Nabuo muli kami. Natatandaan ko, Pasko nang pagkalooban ako ng parole.
“Sa loob ng bilangguan ako natutong gumawa ng parol. Nang tumagal ako na ang nagtuturo sa kapwa ko inmate na gumawa ng parol. Bukod sa parol, nag-aaral din kami sa paggawa ng mga basket at iba pang handicraft. Kumikita ang mga bilanggo sa paggawa ng handicraft.
“Kapag Pasko ay ako ang laging winner sa paggawa ng parol. Malaking pera ang napagbebentahan sa mga parol.’’
“Kaya pala ang husay mo sa paggawa ng parol, Lolo. Kaya ako lagi ang winner,” sabi ko sabay akbay kay Lolo.
“Marami pa tayong gagawing parol. Ikaw ang mananalo lagi,’’ sabi ni Lolo.
Inakbayan ko si Lolo. Mahal na mahal ko siya.
- Latest