Lalaki sa Switzerland na nagpabaon sa makapal na snow, nakatanggap ng Guinness Word Record!
ISANG Swiss na powerlifter ang nagpamalas ng matinding tibay ng katawan matapos manatiling nakabaon sa niyebe nang mahigit dalawang oras habang tanging trunks lang ang suot, isang pagsubok na nagbunga ng bagong Guinness World Record.
Si Elias Meyer, isang atleta na bihasa sa weightlifting, ay pinili ang hamon na ito para maitala ang world record title na “longest time spent in direct full body contact with snow.” Ayon sa kanya, nalaman niyang wala pang nakakapagtala ng dalawang oras sa titulong ito kaya’t sinubukan niya ito.
Naitala niya ang dalawang oras at pitong segundo, lampas sa dating record na hawak ni Valerjan Romanvoski noong 2022, na tumagal ng isang oras, 45 minuto at 2 segundo.
Bagamat matindi ang lamig, inamin ni Meyer na mas nahirapan siya sa bigat ng niyebeng nakapatong sa kanyang katawan kaysa sa lamig mismo.
Sa isang Instagram post, sinabi niyang “ang bigat ng niyebe ang nagpasakit sa aking balikat at siko… parang may matulis na yelong tumutusok sa aking likod.”
Dagdag pa ni Meyer, layunin niyang ipakita na “kayang lampasan ng katawan ng tao ang inaakalang limitasyon nito.”
- Latest