‘Rapist’ ba ang ka-on mo?
MAY tatlong klase ng rape: stranger rape (hindi magkakilala ang perpetrator at victim); acquaintance rape (magkakilala o magkabarkada ang perpetrator at victim); date rape (may romantic relationship na namamagitan sa perpetrator at victim). Ang pag-uusapan natin ay perpetrator sa date rape. Ano-ano ba ang palatandaan na ‘rapist’ ang iyong karelasyong lalaki?
Sa mga “unguarded moments†ninyo, nahuhuli mo ang kanyang bastos na pag-uugali. Mahilig magmura; at ang tingin niya sa mga babae ay kontrabida. May lihim siyang galit sa mga babae.
Dominante. Laging sinasabi na siya dapat ang masusunod dahil siya ang lalaki. Maikli ang pasensiya at masamang magalit—nananampal o nampipilipit ng braso.
First time or second time pa lang kayong mag-date, nagpapakita na siya ng pagkaseloso at pagiging possessive.
Mahilig mantsansing. Idinidikit ang kanyang katawan sa iyo at hita mo lagi ang pinupuntiryang hawakan.
Tuloy pa rin siya sa pantsatsansing sa kabila ng pagsasabi mong huwag kang hipuan. Sa halip na mahiya ay aakusahan ka o kakantiyawan na may makalumang ugali.
Lalong nagiging mapilit at agresibo kapag hindi ka sumang-ayon sa kanyang kagustuhan.
First date pa lang ninyo pero hindi ka niya pinayagang magsama ng chaperon.
Kapag nagkataong kasama ka ng barkada, gagawa siya ng paraan na ihiwalay ka sa karamihan para masolo ka.
Biglang hihingi ng tulong sa iyo o hihingin ang atensiyon mo kung kailan hindi ka puwedeng maabala, halimbawa, oras ng klase o trabaho. Nagpapansin baga.
Mahilig magtanong ng very personal questions. Gusto niyang malaman ang mga kaliit-liitang bagay tungkol sa iyo.
Source: http://my.alfred.edu/index.cfm/fuseaction/csdc.guide_date_rape.cfm
- Latest