^

Punto Mo

Lampong (245)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“SA palagay mo ba Tina, dapat pa akong mag-disguise?”

“Kung magigipit ka lang po. Para patuloy mong maitago ang iyong pagkatao.”

“Sabagay, hindi pa tapos ang pagsubaybay ko kay Jinky. Pero sa palagay mo ba, masama talaga ang banta ni Pac kay Jinky. Kasi kahapon, wala naman akong nakitang may magtatangka kay Jinky. Mula nang umalis siya rito at hanggang makarating sa bahay sa kabilang sapa ay walang nangyaring masama.”

“Naghihintay lang po ng tiyempo si Pac, Sir Dick. May nakapagsabi po kay Mam Jinky na pinalalalamig lang ni Pac ang isyu sa supply ng kuhol at may gagawin siyang hindi maganda.”

“Pero may bago nang magsusuplay ng kuhol sa inyo?”

“Opo. Nagkaayos na po sila kahapon ng bagong supplier. May delivery nga raw ngayon o kaya’y bukas.”

“E di paano ang nai-advanced na bayad kay Pac?”

“Hinayaan na po ni Mam Jinky. Kikitain din daw namin yun.”

“Sabagay. Mabuti ngang huwag nang makipag-usap sa bigotilyong yun. Alam mo nang makita ko ang Pac na iyon naalala ko ang kontrabida sa pelikula. Talagang pangkontrabida siya. Ano bang totoong pangalan ni Pac?”

“Facundo po yata.”

“E di sana Fac at hindi Pac.”

Napangiti na lang si Tina.

“Sige po, Sir Dick kapag umalis ngayong umaga na ito si Mam Jinky, kakatukin ko ng tatlong beses ang kuwarto mo. Ibig sabihin, aalis si Mam Jinky at kailangan mong sundan.”

“Okey, Tina. Maliwanag.”

“Kapag wala pong katok, ibig sabihin walang lakad si Mam.”

“Sige.”

“Ang wig po ay huwag mong kalilimutan.”

“Oo. Tina.”

Nang makalabas si Tina ay pinagmasdan ni Dick ang wig. Kakailanganin pala niya ito. Hindi niya ito dapat makalimutan.

Walang narinig na katok si Dick sa buong maghapon. Ibig sabihin, hindi natuloy si Jinky.

Pero nagulat si Dick nang mag-alas sais ng hapon ay marinig niya ang sigaw ni Tina.

“Mam Jinky! Mam Jinky! Ang mga itik po natin, patay!”

Gimbal si Dick. Hindi malaman ang gagawin.

(Itutuloy)

IBIG

JINKY

MAM

MAM JINKY

PAC

PERO

SABAGAY

SIR DICK

TINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with