^

Punto Mo

Lampong(213)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“TINA! Ikaw din ba ’yan?”

Kinamayan ni Mulo si Tina. Nakatingin si Dick. Akalain ba niyang magkakilala sina Mulo at Tina. Pumapanig yata sa kanya ang pagkakataon. May naglalaro sa kanyang isang magandang ideya.

“Kumusta ka na Mulo? Saan ka naka­tira at bakit narito ka sa
Villareal?”

“Mabuti naman ako Tina. Nasa bayan ako nakatira. Kinontrata lang ako ni Sir Dick patungo rito.”

“Ah ganoon ba? O e kumusta naman ang pamilya mo? May pamilya ka na baga, Mulo?”

“Wala pa.  Binata pa rin ako, Tina. Hindi pa kayang ipambuhay ang pagtatraysikel. Ikaw Tina, may pa­milya ka na ba?”

“Single parent ako, Mulo. ’Yung anak ko ay seven years old na.”

“Ah ganun ba?”

“So ikaw pala ang kinon­trata ni Sir. E di ikaw ang maghahakot ng itlog na bibilhin ni Sir? Marami raw bibilhin si Sir sabi sa akin. Kasi gagawin daw itlog na pula para sa kanyang bibingka business.”

Alumpihit si Dick. Hindi malaman ang gagawin. Baka mabuking siya. Kinindatan niya si Mulo na umuo na lang. Agad namang nakuha ni Mulo ang pagkindat. Alam naman kasi ni Mulo na hindi itlog kundi si Jinky ang hinahanap niya.

“Ah oo ako ang magha­hakot ng itlog, Tina.”

Binalingan ni Mulo si Dick at sinabi kung bakit sila magkakilala ni Tina.

“Kaklase ko ng high school si Tina, Sir Dick. Siya yung pinakamaganda sa klase namin.­”

Nakangiti si Dick nang sumagot.

“Hanggang ngayon naman ay maganda si Tina.”

“Salamat po Sir.”

“Mula nang mag-graduate­ kami nung high school ay hindi na kami nagkita. Hindi na rin kasi ako nakapag-aral. Ikaw Tina, saan ka nagpa­tuloy ng pag-aaral?’’

“Nag-aral ako sa Maynila, Mulo. Tapos ako ng Business Ad.”

“Ay ang galing mo naman­.”

“Hindi naman, Mulo.’’

“Mabuti at hindi ka sa Maynila nag-aral?”

“Mahabang istorya, Mulo. Teka, isasama ko si Sir sa bodega.”

“Ihahatid ko na kayo roon.”

“Sige. Sir Dick sakay na po kayo,” sabi ni Tina.

“Aangkas na lang ako,” sabi ni Dick. Mamaya ibubulong niya kay Mulo ang naisip niyang paraan para makapasok sa bahay ni Jinky. Si Tina ang kukutsabahin nila.

(Itutuloy)

AKO

BUSINESS AD

DICK

IKAW TINA

MULO

SHY

SIR

SIR DICK

TINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with