^

Punto Mo

13 Tips and Tricks

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

10. Ninenerbiyos ka ba as in sobra ang bilis ng tibok ng iyong puso? Hipan mo nang paulit-ulit ang iyong hinlalaki sa kamay.  Ang vagus nerve ang nagpapakalma ng tibok ng puso. Gumagana ang vagus nerve sa pamamagitan ng paghinga o pag-ihip. Kasangkapan lang ang daliri upang makapag-concentrate ka sa pag-ihip.

11. Matatanggal ang brain freeze sa pamamagitan ng pag­dikit ng iyong dila sa iyong ngala-ngala. Ang brain freeze ay biglang pagsakit ng ulo pagkaraang malamigan ang buong bibig dahil sa naisubong ice cream, halo-halo o biglaang pagsipsip ng Slurpee. Nangyayari ang brain breeze dahil nalamigan ang ngala ngala at ang dumating na signal sa utak ay nanlalamig ang buo mong katawan. Pinaiinit ng dila ang nanlamig na ngala ngala sa pamamagitan ng pagdikit dito. Ang resulta ay pagtigil ng sakit ng ulo.

12. Sinisinuk ka ba ? Ilabas ang dila. Hawakan ito ng hinlalaki at hintuturo. Ang hinlalaki ay dapat na nasa ilalim ng dila at ang hintuturo ay nasa ibabaw. Maingat na hilahin ang dila palabas sa loob ng 30 seconds.

13. Kung nawawalan ng pakiramdam ang iyong kamay dahil nangawit, galaw-galawin mo ang iyong ulo pakaliwa, pakanan, at paikot. Ang nerves sa leeg ay naipit o nagdikit at ang paggalaw ng ulo ay paraan upang “lumuwag” ang nerves.

 

GUMAGANA

HAWAKAN

HIPAN

ILABAS

IYONG

KASANGKAPAN

MAINGAT

MATATANGGAL

NANGYAYARI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with