^

Punto Mo

Reverse psychology

WANNA BET - Bettina P. Carlos - Pang-masa

GUN ban. Malinaw ang ibig sabihin nito: Bawal ang pagdadala ng baril. Pero ang kabalintunaan: Kung kailan bawal, saka naging talamak ang paggamit nito.

 Ang US ang may pinakamataas na gun violence at gun-related na mga krimen sa mundo. May mass killer sa isang sinehan, may sintu-sintong nagbabaril ng walang awa sa 20 bata sa paaralan. Ang Japan naman ay may naitala lamang na 22 nabaril sa kasaysayan nila. Halos walang may-ari ng baril sa Japan. Istrikto ng kanilang batas. Isang dahilan kung bakit wala masyadong naghahangad ng baril sa Japan ay dahil hindi naman sila nangangamba sa kanilang buhay.

Samantalang tayo, kahit sino na lang yata ay may baril. May permit to carry at nadadala sa kotse, at siyempre hindi mo maiaalis na kung kayang mailusot sa mall ay gagawin nila - lalo na may malaking nakawang naganap sa isa sa pinakamalaking mall sa Maynila. Lalong binigyan ng rason ang mga taong mangamba para sa kanilang kaligtasan. I think it is this fear of safety that makes people buy and rely on a firearm for defense. Pero mali. Mara-ming kaso ng mga ligaw na bala, ng mga nagpaputok ng wala sa lugar at nakatama at nakapatay ng inosente. At lalo naman sa mga maiinit ang ulo, ang di-pagkakaintindihan sa trapiko ay akala nila’y mareresolba ng baril.

Nakakahiya ang mga pulis. Kahit ang mga magagaling na pulis ay nadadawit sa pagpapasa-way ng ibang mga pulis na promotor pa ng panloloko at krimen. Maawa kayo sa mga bossing n’yo na malilinis magpatupad ng batas. Kayong frontliners ang dumurungis sa inyong samahan.

Tama ang narinig ko na dapat ang mga malls ay gumastos para magkaroon ng metal detectors ang pasukan ng kanilang mga building. Aminin nating sa dami ng labas-masok sa mga mall ay hindi kaya ng guwardiya ang mano-manong pag-check at pagkapkap.

Panahon na rin na higpitan ang pag-iisyu ng permit to carry. Sapat na siguro ang  lisensiya lamang, pangself defense lang sa mga magnanakaw sa bahay. E kahit nga isa ka ng napakayaman na may bodyguard, tulad ni Kelvin Tan, kung ikaw ay papatayin sa simpleng paraan --- kahit pa gun ban.

 Kaya sa mga kinauukulan, nakikita na naman po ang takbo ng kaisipan ng mga Pilipino --- lalong pagbabawalan, lalong susuwayin. Sana ay tapatan ito nang mahigpit na mga pamamaraan upang nangi­ngibabaw pa rin sila sa lahat ng mga krimen at bayolenteng tao.

AMININ

ANG JAPAN

BAWAL

ISANG

ISTRIKTO

KAHIT

KELVIN TAN

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with