^

Punto Mo

EDITORYAL - Sayang ang oras

ANG isyu sa pamumudmod ng milyun-milyong piso ni Senate President Juan Ponce Enrile sa 22 senador­ kasama ang kanyang sarili ay lumalalim. Marami ang nasasangkot. Pati ang chief of staff ni Enrile ay nakakaladkad sa isyu. Noong isang araw ay nagbalitaktakan si Sen. Allan Peter Cayetano at Enrile. Nauwi sa sumbatan ang isyu. Nahalungkat ang P37-million na utang umano ng namayapang ama ni Cayetano na si Sen. Rene Cayetano. Naungkat din ang mga kahoy na ibinigay umano ni Enrile sa nama­yapang Cayetano para sa bahay nito. Ganti naman ni Cayetano, ang chief of staff ni Enrile ang umaakto sa puwesto ng Senate President. Ito umano ang pumirma sa tseke na nagkakahalaga ng P1.6 million para sa maintenance and other operating expenses (MOEE) ng 22 senador at hindi kasama rito si Cayetano, ang kanyang kapatid na si Pia, Miriam Defensor-Santiago at Antonio Trillanes. Ang apat ay mga kritiko ni Enrile­. Sabi ni Enrile, ang perang pinamudmod sa mga senador­ ay savings ng Senado.

Ang balitaktakan ay lumalawak. Patuloy ang pag­halungkat sa mga personal na bagay o buhay ng bawat isa at tila nawawala na sa tunay na isyu. Ang pinaka-isyu rito ay ang malaking savings na naipon umano ng Senado. Tila walang control ang Senado pagdating sa ganitong savings. At ngayon lamang lumitaw na mayroon palang malaking savings ang Senado. Ano na ang nangyari sa mga nakaraang savings? Hindi pala basta-basta ang naiipong savings na kayang pamudmuran ng P100,000 ang mga staff ng senador.

Sa ganitong sitwasyon, dapat nang sumailalim sa auditing ang perang savings ng Senado. Ang perang ito, ay nagmula sa binayad na buwis ng taumbayan kaya hindi dapat ipamudmod na lamang. Dapat maging­ transparent si Enrile at hayaang ma-audit ang pera ng Senado. Tama na ang sumbatan. Umpisahan ang pagsiyasat sa milyong pisong iniingatan ng Senado.

ALLAN PETER CAYETANO

ANTONIO TRILLANES

CAYETANO

ENRILE

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

RENE CAYETANO

SAVINGS

SENADO

SENATE PRESIDENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with