Bakit may paboritong anak ang ibang magulang? (Part 1)
1. Mas nakikita nila ang sarili sa isang anak.
May mga magulang na mas nagugustuhan ang anak na kahawig nila ng personalidad, ugali, talento o pananaw sa buhay. Dahil pareho sila ng interes at paniniwala, mas madali silang magkasundo.
2. Mas masunurin ang isang anak.
May mga magulang na mas nagiging malapit sa anak na sumusunod sa kanilang utos, hindi sumasagot at hindi kumokontra. Dahil dito, mas nabibigyan ito ng atensyon at pabor kaysa sa mga kapatid na mas palaban o matigas ang ulo.
3. May anak na mas maraming nakamit sa buhay.
Minsan, mas ipinagmamalaki ng magulang ang anak na nakapagtapos ng pag-aaral, may magandang trabaho o nakapagbibigay ng tulong pinansiyal sa pamilya. Hindi nila namamalayan na mas nagiging espesyal ang pagtrato nila rito.
4. May anak na mas nangangailangan ng atensiyon.
May mga magulang na mas pinagtutuunan ng pansin ang anak na may karamdaman, problema o pinagdaraanan sa buhay. Bagama’t mabuti ang intensiyon, maaaring maramdaman ng ibang kapatid na hindi sila gaanong mahalaga.
5. May hindi magandang karanasan sa isang anak.
Kung madalas magtalo ang magulang at anak, maaaring magkaroon ng sama ng loob ang magulang. Sa paglipas ng panahon, posibleng mas maging malamig ang pakikitungo niya rito at mas mapalapit naman sa ibang anak. (Itutuloy)
- Latest















