^

Punto Mo

‘Internet Blackmail’

BITAG Ben - Tulfo - Pang-masa

CYBER bullying at cyber blackmail ang ilan sa maiinit na pinaguusapan sa ngayon sa ating lipunan.

Bago pa man umunlad ang teknolohiyang likha ng mga tao, matagal nang nararanasan ang pambu-bully at blackmail partikular na sa sektor ng mga kabataan. Lalo lamang dumami ang mga kaso ng nambibiktima at nabibiktima nito mula nang makilala na natin ang mundo ng internet.

Iba’t ibang websites at social networking sites ang ginagawang palaruan ng mga kolokoy para makapam-bully o blackmail kapalit ng sariling interes. Isa ang ginang na si Stella na naging biktima ng pamba-blackmail ng isang internet hacker.

Kasama ang asawa, dumulog si Stella at ang kaniyang asawa sa BITAG upang humingi ng tulong. Kuwento ni Stella, sa pag­hahangad na simulan ang karera sa pagmomodelo, ilang taon na ang nakararaan nang magpadala siya ng mga hubad na litrato ng sarili gamit ang pansamantalang e-mail account.

Ayon sa ginang, pribado ang account na ito sa pakikipag-transaksiyon nilang mag-asawa sa isang sikat at pang-international na magasin para sa kalalakihan. Subalit limang taon makalipas ang naudlot na pangarap ni Stella, hindi inakala ng mag-asawa na muli silang mumultuhin ng mga litrato ng nakalipas.

Isang internet hacker ang nag-email at pilit na nanggigipit kay Stella kapalit ng malaking halaga. Panakot nito, kung hindi niya ibibigay ang hinihinging halaga, isasapubliko niya gamit ang teknolohiya ng internet ang mga hubad na litrato ng ginang.

Humigit-kumulang apat na buwang pinag-aralan at tinutukan ng BITAG katuwang ang mga operatiba ng National Bureau of Investigation ang transaksiyon sa pagitan ni Stella at ng putok sa buhong blackmailer niya. Kilos prontong nagplano at isinagawa ng BITAG kasama ang mga operatiba ng NBI ang isang entrapment operation matapos makapagpadala ng pera.

Abangan sa BITAG ang kabuoang dokumentasyon ng pagkakasakote sa dorobong internet blackmailer ng aspiring model na si Stella.

vuukle comment

ABANGAN

AYON

HUMIGIT

ISA

ISANG

KASAMA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

STELLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with