Karapatan ng babae ang maprotektahan
KASISIMULA pa lamang ng taon ngunit isang kahindik-hindik na pangyayari na ang yumanig sa buong mundo. Isang 23-anyos na babae sa India ang ginahasa ng anim na lalaki sa loob ng isang umaandar na bus?
Halinhinang ginahasa ang dalaga at ang isa sa mga salarin ay 17-anyos! Matapos ang kababuyan ay tinuhog pa siya ng isang tubo at saka itinapon. Ito ang naging dahilan ng kanyang kamatayan. Napakahayop!
Talamak ang krimen at pang-aabuso ng mga kababaihan sa India. In fact, isa ang ginagahasa kada beinte minutos doon. At hindi inakala ng pulisya at pamahalaan doon na ang kasong ito ang mag-uudyok sa mga taong magalit at magprotesta.
Kung may isang mabuting nangyari mula sa karumal-dumal na pangyayaring ito, ito ay na nabuksan ang kaisipan at kamalayan ng mamamayan sa India na tuldukan na ang pananahimik at ipaglaban na ang karapatan ng mga kababaihan sa lipunan. Hindi naging matagumpay ang efforts ng mga grupo na isulong ang karapatan ng mga kababaihan kahit ilang dekada na nila itong ipinaglalaban. At ngayon ay hindi na mapipigilan ang galit ng kanilang lipunan. Nakakahabag lang na may isang buhay na kailangang ialay upang magising ang mga kinauukulan sa kanila. Isang batang inutang pa ng mga magulang ang pampaaral dahil sa pangarap nitong maiahon ang pamilya nila sa kahirapan at maiangat ang antas ng kanilang pamumuhay.
Hindi ko inaasahang may bansa pa palang hindi kinikilala at nirerespeto ang mga kababaihan at ang karapatan nila; na mismong mga pulis ang tumatangging tumanggap ng reklamo mula sa mga biktima. At ni hindi maprotektahan ng sarili nilang gobyerno dahil sa takot na magdulot ng kahihiyan sa kanilang mga pamilya ang sinapit na pang-aabuso. Pero ito ay matitigil na ngayon. Panahon na para maging patas sila, anuman ang kasarian. Panahon na upang mapabilis ang paghatol sa mga manggagahasa at mamamatay-tao. Panahon na upang managot ang may sala.
Ang ganitong mga tao ay hindi dapat basta-basta pinapatay. Dapat pahirapan at paranasin muna ng dusa nang matikman ang kahayupang ginawa nila. Yes to death penalty, especially when proven!
Sana ay maging aral ang pangyayaring ito sa ating mga kababaihan na mag-ingat at huwag matatakot magsumbong sa kinauukulan. In fairness sa pamahalaan natin, masuwerte tayong hindi isinasaisantabi ang mga kababaihan.
- Latest