^

Punto Mo

Mga prutas na nakatataba (Part 2)

MD - Dr. Willie T. Ong - Pang-masa

NOONG nakaraan, nabanggit ko ang mga tips sa tamang pagkain ng prutas tulad ng (1) magbawas sa pagkain ng dried fruits tulad ng raisins, (2) magbawas sa mga de-latang prutas, at (3) bawasan ang paglagay ng asukal o syrup sa iyong fruit shake. Heto po ang ibang mga payo:

Tip No. 4: Pumili nang tamang prutas.

Kung kayo ay nagdi-diyeta, piliin ang mga prutas na ito: mansanas, melon, pakwan, saging at strawberries. Puno sa tubig ang melon at pakwan at mababa ito sa calories. Ang isang saging ay may 100 calories pero mabilis naman makabusog.

Ang mga prutas na puwedeng makataba ay ang abokado (322 calories bawat piraso), ubas (106 calories bawat tasa), mangga (107 calories bawat pisngi) at prunes (100 calories bawat 5 piraso). Bilang paghahambing, ang isang tasang kanin ay may 200 calories lamang. Kaya ano ang mas pipiliin mo, isang mangga o isang tasang kanin?

Tip No. 5: Limitahan sa 3 o 4 na fruit serving bawat araw.

Ayon sa eksperto, ang bawat tao ay dapat lamang kumain ng 3 hanggang 4 na parte (serving) ng prutas sa isang araw. Ang isang serving ng prutas ay katumbas sa mga ito: 1 pisngi ng mangga, 12 pirasong ubas, 1 saging, 1 mansanas, o kalahating baso ng fruit juice.

Kaya kapag kumain ka ng 2 buong mangga ay naabot mo na ang 4 na servings mo sa isang araw. Kapag kumain ka pa ng kahit anumang prutas ay lalampas ka na sa kailangan ng iyong katawan, at puwede ka nang tumaba.

Tip No. 6: Kumain nang maraming gulay.

Kumpara sa gulay, ang mga prutas ay may 3 doble ng calories ang nilalaman. Kaya mas mabilis makataba ang pagkain ng prutas kaysa sa pagkain ng gulay. Dahil dito ay mas puwede kang kumain ng iyong paboritong tulad ng repolyo, kangkong, pechay, cauliflower, broccoli, malunggay at iba pa. Sa isang araw, kailangan tayo kumain ng 3 o 4 na platito ng gulay.

Sa katunayan, ang prutas at gulay ay napakasustansya at kailangan natin sa araw-araw. Kumain lang ng sapat (at hindi labis) para sa iyong kalusugan.

ARAW

AYON

BAWAT

CALORIES

ISANG

KAYA

KUMAIN

PRUTAS

TIP NO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with