^

Probinsiya

Babaeng guro, kinidnap

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Babaeng guro, kinidnap
Kinumpirma ng mga awtoridad ang pagkidnap kay Baesarome Dagalangit Bagul, isang teacher sa Malungon Elementary School sa Maguing, na sakop sa bayan ng Lanao del Sur.
STAR / File

COTABATO CITY, Philippines — Isang babaeng public school teacher ang kinidnap ng mga armadong lalaki sa isang liblib na lugar sa Barangay Lilod sa Maguing, Lanao del Sur nitong Miyerkules, August 12.

Kinumpirma ng mga awtoridad ang pagkidnap kay Baesarome Dagalangit Bagul, isang teacher sa Malungon Elementary School sa Maguing, na sakop sa bayan ng Lanao del Sur.

Sa ulat ng mga imbestigador, sakay ng isang tricycle si Bagul na hinarang ng mga armadong kalalakihan na magkasama sa isang kulay pula na Toyota Rush. Sapilitang pinasakay ng mga kidnappers si Bagul sa kanilang kotse at agad na tumakas.

Walang nagawa ang driver ng tricycle na si Saidona Sobngan Musa dahil armado ang mga dumukot kay Bagul.

Nagtutulungan na ang mga operatiba sa Maguing sa paghaha­nap kina Bagul at ang mga dumukot sa kanya.

KINIDNAP

LANAO DEL SUR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with