Smuggled yosi samsam sa Davao Oriental

MANILA, Philippines — Nasabat ng mga elemento ng Bureau of Internal Revenue (BIR) kasama ang Philippine National Police (PNP) ang nasa nasa 17 master cases ng puslit na mga sigarilyo na may P6.5 milyong tax liability sa gobyerno sa isinagawang operasyon sa Purok 1, Barangay Poblacion, Governor Generoso, Davao Oriental.
Ayon kay Atty Irene Balleque ng BIR RDO 114-Davao Oriental, nasa police custody na ang mga nakumpiskang sigarilyo at na-refer na sa BIR para sa kaukulang inspection at tax assessment.
Ang operasyon ay bahagi ng pinaigting na nationwide campaign ng BIR laban sa illegal trade, distribution, at pagdadala ng mga untaxed tobacco products upang madetermina ang mga legitimate businesses at makalikom ng dagdag na buwis mula sa naturang produkto.
Patung-patong na kaso ang kakaharapin ng may ari ng mga kumpiskadong sigarilyo hinggil sa pagbubuwis.
- Latest















