^

Probinsiya

2 helper naipit sa kargang truck, 1 todas

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines — Patay ang isang helper habang sugatan ang isa pa matapos silang maipit sa pagitan ng isang self-loading truck at kargang dump truck sa kahabaan ng Quezon Eco-Tourism Road sa Barangay Ibabang Talim sa lungsod na ito kamakalawa.

Base sa ulat ni PLt. Col. Ryan Hernandez, hepe ng Lucena Component City Police, isinakay ng mga biktima sa isang Isuzu self-loading truck ang dump truck na nasangkot kamakailan sa isang aksidente upang dalhin sa Sariaya, ­Quezon.

Habang bumibiyahe, napansin ng dalawang helper na posibleng sumabit ang kargang dump truck sa mga overhead electrical wire kaya agad nilang pinahinto ang sasakyan na minamaneho ni Christian.

Sa biglang paghinto ng trak, biglang lumuwag ang locking mechanism at mga kadena na humahawak sa kargang dump truck dahilan upang umusad ito at maipit ang dalawang helper sa pagitan ng cab ng truck at ng dump truck.

Agad isinugod ang dalawa sa Quezon Medical Center (QMC) subalit idineklarang dead-on-arrival si John dahil sa tinamong grabeng pinsala sa ulo at katawan habang patuloy na ginagamot ang kasamang helper na si Rene.

RYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with