^

Probinsiya

P3.4 milyon gshabu nasabat sa buy-bust ops

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
P3.4 milyon gshabu nasabat sa buy-bust ops
Nasamsam ang P3.4-M shabu ng mga ahente ng PDEA-CALABARZON mula sa tatlong suspek na tulak ng droga kahapon sa Taytay, Rizal.
Ed Amoroso

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Kalaha­ting kilo ng shabu, humigit-kumulang 500 gramo na nagkakahalaga ng P3.4 milyon ang nasabat kasunod ng pagkakaaresto sa tatlong drug traffickers sa isang operasyon sa TayTay, Rizal noong Miyerkules ng hapon.

Nasa listahan ng mga High-Value Drug personalities mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Calabarzon region ang drug suspect – na kinilala lamang ni alyas “Amir”, 39, na umano’y isang drug boss at dala­wa nitong kasabwat na sina alyas “Sohaile,” 43, at “Naofil,” 29. Ang transaksyon ng droga ay ginanap sa rooftop ­par­king area ng isang mall sa Barangay Dolores, Taytay, Rizal kung saan ang isang plain cloth agent ay nagpanggap bilang poseur buyer habang ang iba pang mga operatiba ay nakasuot ng civilian attire bilang back-up support, noong Miyerkules bandang 4:35 ng hapon.

Hindi naman nanlaban ang mga suspek nang makorner sila at sunggaban ng mga ahente ng PDEA4A habang nahuling tumatanggap ng marked money kapalit ng plastic sachet na naglalaman ng shabu na tinatayang­ nagkakahalaga ng P3,400,000.

Nasamsam din sa mga suspek ang dalawang sasakyan na Toyota Vios at Toyota Avanza na umano ginagamit sa kanilang operasyon sa droga, cellular phone, at buy-bust na marked money.

RIZAL

TAYTAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with