Tricycle salpok sa bus: 2 dedo, 1 sugatan
CAMP VICENTE LIM, Laguna , Philippines – Dalawa katao ang patay habang isa ang sugatan nang magsalpukan ang isang tricycle at pampasaherong bus habang parehong bumabagtas sa Barangay Parang, Calapan City nitong Huwebes ng hapon.
Ayon kay PCaptain Ann Michell Selda, tagapagsalita ng Oriental Mindoro PPO, said patuloy na kinilala ang mga nasawi at nasaktan sa banggaan.
Base sa inisyal na imbestigasyon, ang tricyle na may sakay na tatlo katao kabilang ang driver nito at bumabagtas sa barangay road ng Brgy. Parang mula sa southbound direction patungong Brgy. Lazareto, habang ang puting ALPS Bus, na paparating mula sa opposite direction dakong alas-5:30 ng hapon.
Pagsapit sa pakurbang bahagi ng kalsada, ang driver ng tricycle ay bigla umanong nawalan ng kontrol sa manibela sanhi upang kumabila ng linya at tuluy-tuloy na bumangga sa sa unahang bahagi ng bus.
Dahil sa matinding pagsalpok, ang driver at mga pasahero nito ay tumalipon sa daan at nagtamo ng matinding mga sugat sa katawan.
Mabilis na isinugod ang mga biktima sa Oriental Mindoro Provincial Hospital (OMPH) pero idineklarang dead-on-arrival ang driver at isang pasahero nito habang patuloy na ginagamot ang isa pang pasahero.
Nawasak ang tricycle habang nasira rin ang unahang bahagi ng bus sa insidente.
Samantala, ang bus driver at mga pasahero nito ay hindi nasaktan sa banggaan.
Nasa kustodya na ng Calapan City Police ang bus driver at bus na sangkot sa aksidente.
- Latest




















