^

Probinsiya

Aurora isinailalim sa state of calamity

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Aurora isinailalim sa state of calamity
Photos show the aftermath of #UwanPH in Barangay Aplaya, Dingalan, Aurora, where houses and establishments are washed out and half-buried in debris.
STAR /Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Dahil sa matinding pinsalang tinamo dulot ng paghagupit ng super typhoon Uwan, isinailalim na sa state of calamity ang lalawigan ng Aurora.

Sa report ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), nasa 10,735 pamilya o kabuuang 33,908 katao ang inilikas sa delubyo ni Uwan na nagdulot ng malakas na hangin at pag-ulan na nagsanhi ng pagbaha mga apektadong lugar.

Ang super typhoon Uwan ay nag-landfall sa Dinalungan, Aurora dakong alas-9:10 ng gabi noong Nobyembre 9.

Nagkaroon din ang mga landslide kabilang sa Brgy. Calaocan, Dipaculao malapit sa hangganan ng bayan ng Maddela sa lalawigan ng Quirino.

Sa kasalukuyan, nadaraanan na ang mga kalsada sa mga bayan ng Dinalungan, Casiguran at Dilasag gayundin sa pito pang barangay sa Dipaculao habang patuloy ang clearing operations sa Baler-Casiguran Road na nagtamo ng matinding pinsala sa storm surge. Gayunman, pahirapan pa rin ang pagdaan sa nasabing mga highway dahil isang linya lamang ang bukas sa mga behikulo.

Patuloy ang ­pag-aayos ng mga power supply at telecommunications services sa lalawigan na winasak ni super typhoon Uwan.

AURORA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with