^

Probinsiya

300 kaso ng rotavirus, naitala sa Palawan

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Umabot na sa 300 kaso ng rotavirus sa Palawan ang naitala ng Center for Regional Epidemio­logy and Technology Enhancement ­(CREATE) MIMAROPA ng Department of Health (DOH) ngayong taon.

Ang mga kaso ay naiulat sa pamamagitan ng kanilang Timely Review of Notifiable Diseases (TREND) na may morbi­dity week 1-38, ayon sa ulat ng Public Information Agency-(PIA) Palawan.

Binanggit sa ulat na ang pinakamataas na bilang ay naitala sa Puerto Princesa City na may bilang na 265 at ang iba ay naitala sa mga munisipalidad ng Palawan tulad ng Aborlan, Narra, Balabac, Taytay, Roxas, San Vicente, Bataraza at Quezon.

Tanging ang Palawan sa rehiyon ng MIMAROPA ang nakapagtala ng kaso ng Rotavirus, ngayong 2025.

Noong 2024, may kabuuang 324 na kaso ang naitala sa Palawan, na may tatlong namatay.

Ang Rotavirus ay sakit na nagdudulot ng malubha at matubig na pagtatae, pagsusuka at sa pamamagitan ng pagpapaturok ng Rotavirus vaccine ay maaaring maiwasan ang sakit na rotavirus.

MIMAROPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with