Road rage: Empleyado binoga sa ulo, dedo

MANILA, Philippines — Isang empleyado ang nasawi nang barilin sa ulo ng nakagitgitan nitong driver ng kotse sa kalsada naganap sa kahabaan ng Jose Abad Santos Avenue, Brgy. Salitran 3, Dasmariñas City, Cavite, kamakalawa.
Ang biktima na nasawi habang nilalapatan ng lunas sa ospital ay nakilalang si alyas “Mayo”, nasa hustong gulang,empleyado ng Meralco.
Sa ulat ng pulisya, bago naganap ang krimen, alas-6:45 ng umaga ay minamaneho ng biktima ang service vehicle ng kumpanya na may plakang NIG-1222 nang nakatalo nito ang driver ng kulay pulang kotse sa kalsada matapos na ito ay kanyang makagitgitan.
Hinabol ng suspek ang sasakyan ng biktima at nang maabutan ay tumabi sa kaliwang parte ng sasakyan at agad itong binaril sa ulo bago humarurot patakas.
Samantala, kinondena ng pamunuan ng Meralco ang pagkasawi ng kanilang empleyado na 21 taon nang nagtatrabaho sa kumpanya.
Patuloy ang pagsasagawa ng manhunt operation ng mga otoridad laban sa mga salarin.
- Latest

















