^

Probinsiya

Garbage truck sumalpok sa bahay; driver patay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Garbage truck sumalpok sa bahay; driver patay
Satellite image ng Binangonan, Rizal mula sa kalawakan
Google Maps

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang truck driver nang sumalpok sa isang bahay at tricycle matapos mawalan ng preno ang kanyang minamanehong dump truck naganap sa Barangay Darangan, Binangonan, Rizal, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasawing driver ng Isuzu dump truck na si Cholan Binala y Fernandez, 43, residente ng Binangonan, Rizal.

Nawasak naman ang Kawasaki tricycle na pag-aari ni Jose Evillio Merino y Roque, 59, at ang bahay na pag-aari ni Marlon Aragon y Dela Cruz, 41.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong 4:30 ng hapon ay bumabagtas ang dump truck na minamaneho ni Fernandez sa Mabuhay Homes, pababa ng Quarry, Brgy. Darangan, Binangonan, Rizal, nang bigla itong rumagasa.

Nahagip nito ang nakaparadang traysikel sa tabi ng kalsada bago ito tuluyang bumangga sa bahay, na kanyang ikinasawi.

Ipinalalagay ng mga otoridad na nawalan ng preno ang dump truck kaya bigla na lamang itong rumagasa, habang hindi pa matukoy kung magkano ang halaga ng pinsala.

RIZAL

BINANGONAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with