^

Probinsiya

Lider ng NPA sa CDO, arestado

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bumagsak sa tropa ng militar ang isang pinaghihinalaang mataas na lider ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa isinagawang operasyon sa Brgy. Indahag, Cagayan de Oro City , ayon sa ulat kahapon.

Sa report ni Army’s 6th Infantry Division (ID) Commander Major Gen. Ronald Gumiran, kinilala ang nasakoteng suspect na si Edward Flores, gumagamit ng mga alyas na Rafa, Ramon, Ruby at Cess.

Si Flores ay tumatayong secretary general ng NPA’s Far South Mindanao Region na nag-o-operate sa SOCCSKSARGEN (South Cotabato, Cotabato City, Sultan Kudarat, Saranggani at General Santos City.

Ang suspect ay nasakote ng tropa ng mga sundalo sa Habitat Phase 2 , Brgy. Indahag, Cagayan de Oro City bandang alas-3 ng hapon noong nakalipas na Huwebes bagaman at hindi agad ito isinapubliko dahil sa isinasailalim pa siya sa masusing tactical interrogation.

Nasamsam mula sa pag-iingat ng NPA leader ang isang Colt. 45 pistol, isang fragmentation grenade at isang smartphone.

Base sa rekord, sinabi ni Army’s 603rd Infantry Brigade commander Brig. Gen. Michael Santos, ang suspect ay nasampahan na ng iba’t ibang kasong kriminal kabilang na ang acts of terrorism, recruitment ng mga kabataan, extortion at iba pa.

Ayon kay Santos ang pagkakaaresto kay Flores ay isang malaking dagok sa kilusang komunista sa rehiyon. Nanawagan ang mga opisyal ng militar sa mga nalalabi pang rebelde lang NPA na nagtatago sa mga kagubatan na magsibaba sa kapatagan at sumuko sa pamahalaan para magbagumbuhay.

6TH INFANTRY DIVISION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with