3-anyos, lolo patay sa lunod sa Cebu
MANILA, Philippines — Dalawa katao kabilang ang isang 3-anyos na batang lalaki ang nasawi sa magkahiwalay na insidente ng pagkalunod sa lalawigan ng Cebu nitong Sabado.
Sa ulat ng Cebu Police, dakong alas-8 ng umaga nang malunod ang 3-anyos na biktimang itinago sa pangalang “Junjun” sa Brgy. Cambang-ug, Toledo City.
Ang bata ay tumakas umano sa kanilang bahay habang abala sa paglalaba ang kaniyang ina at naligo sa ilog, may 500 metro ang layo sa kanilang tahanan.
Gayunman, napagawi sa malalim na bahagi ng ilog ang paslit bunsod upang malunod.
Nagawa pang masaklolohan ng ilang kapitbahay ang batang biktima pero idineklara nang dead-on-arrival sa Toledo City General Hospital.
Sa isa pang insidente , nasawi rin ang magasasakang si Dionisio Lapitan, 75-anyos, matapos na malunod sa isang ilog sa Brgy. Alpaco, Naga City, Cebu.
Sa teorya ng mga awtoridad posibleng tinangay ng malakas na agos ang matanda matapos rumagasa ang baha hanggang sa malunod ang matanda.
Nabatid na malalakas ang mga pag-ulan sa Cebu nitong nakalipas na mga araw sanhi ng namumuong sama ng panahon. (=
- Latest




















