^

Probinsiya

17 malalakas na armas isinuko sa Maguindanao

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY,  Philippines — Karagdagang 17 pa na mga baril ang boluntaryong isinuko nitong Huwebes sa 33rd Infantry Battalion (IB) ng mga residente ng limang bayan sa Maguindanao del Sur bilang suporta sa peace and security programs ng 6th Infantry Division ng Philippine Army.

Kusang loob na ipinakustodiya ng mga may-ari sa 33-IB ang kanilang limang Garand rifles, limang M14 rifles, dalawang .30 caliber Mosin Nagant rifle, dalawang 12 gauge shotgun, isang .45 caliber pistol, isang M16A1 Bushmaster rifle at isang M4 Carbine rifle sa isang surrender ceremony sa Barangay Zapakan sa Rajah Buayan, Maguindanao del Sur nitong Huwebes.

Ayon kay Brig. Gen. Edgar Catu, commander ng 601st Infantry Brigade, kusang loob na isinuko ng mga may-ari ng naturang mga baril sa 33-IB sa pakiusap ng mga opisyal nito, barangay leaders at mayors na suportado ang Small Arms and Light Weapons Management Program o SALW Management Program, ng 6th ID at ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity.

Ginanap ang surrender ceremony sa battalion headquarters ng 33rd IB sa Rajah Buayan, na dinaluhan ng mga kinatawan ng mga municipal governments ng Shariff Aguak, Shariff Saydona Mustapha, Datu Abdullah Sangki, Sultan sa Barongis, at Rajah Buayan.

Mahigit 500 combat rifles, bolt-action sniper rifles, M60 at .30 caliber machineguns, 60 at 81mm mortars, 40mm grenade at B40 rocket launchers ang nakolekta ng mga units ng 6-ID mula sa mga residente ng lungsod at mga probinsyang sakop nito mula nang inilunsad nitong July 2024 ng OPAPPRU at 6th ID ang SALW Management Program.

EDGAR CATU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->