^

Probinsiya

‘Killer’ ng senglot, todas sa parak!

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines — Bulagta ang isang lalaking suspek sa pagpatay sa kanyang kainuman at pagkasugat ng isa pa matapos barilin ng rumespondeng pulis na kanyang sinugod ng saksak sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM), ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si alyas “Rigor” habang ang biktimang napatay nito ay si alyas “Ian”, 36 at ang sugatang kasama ay si Lorenzo, 59, kapwa residente ng Brgy. San Pedro.

Sa report ng SJDM City Police, isang tawag ang kanilang natanggap tungkol nangyaring pananaksak dakong alas-3:30 ng madaling nitong Pebrero 26, 2025 sa Brgy. San Pedro kaya agad silang rumesponde sa lugar.

Nang makarating sila sa lugar, tumambad ang duguang biktima na tadtad ng saksak na nakahandusay at wala nang buhay habang ang suspek ay patuloy na inuundyan ng saksak ang isa pang biktimang si Loren na nagtamo rin ng mga sugat sa katawan.

Ayon pa sa report,  nang makita rin ng suspek ang mga paparating na pulis ay kanyang sinugod at inundayan ng kutsilyo kaya pinaputukan siya ng isa sa opisyal na kanyang ikinabuwal.

Agad dinala si Loren at ang isang pulis na may ranggong patrolman na nagtamo ng minor injuries sa kamay at braso sa pinakamalapit na ospital para sa paunang lunas, habang dead-on-arrival ang suspek na dinala rin sa pagamutan. Sinasabing mula sa masayang inuman ay biglang nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa na nauwi sa saksakan.

SJDM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->