^

Probinsiya

22-anyos babae umakyat sa puno ng mangga, patay sa kuryente!

John Unson - Pilipino Star Ngayon
22-anyos babae umakyat sa puno ng mangga, patay sa kuryente!
Sa ulat ng Butuan City Police Office nitong Linggo, sinikap pang isal­ba ng mga emergency responders na mga pulis at mga kasapi ng Bureau of Fire Protection si Mary Joy Antibagos, ngunit sila ay nabigo.
STAR/ File

COTABATO CITY , Philippines — Agad na namatay ang isang 22-anyos na babae nang makuryente habang nangunguha ng mangga sa isang mataas na puno nito sa Barangay Libertad sa Butuan City nitong tanghali ng Sabado.

Sa ulat ng Butuan City Police Office nitong Linggo, sinikap pang isal­ba ng mga emergency responders na mga pulis at mga kasapi ng Bureau of Fire Protection si Mary Joy Antibagos, ngunit sila ay nabigo.

Ayon sa mga imbestigador, inakyat ni Antibagos ang isang mataas na puno ng mangga sa isang bakuran sa Palacat Village sa Barangay Libertad upang mangu­ha ng bunga nito nang masagi ng kanyang gamit na pangsungkit na stainless steel rod na may maliit na kalawit sa dulo ang isang high tension power line sa ibabaw nito.

Sumabit sa malala­king sanga ng puno ng mangga si Antibagos na maagap namang naibaba ng mga rescuers na mga pulis at BFP personnel at mga kawani ng Butuan City Disaster Risk Reduction and Management Office na nagtulungan din sa pagdala ng kanyang mga labi sa isang pune­rarya.

POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with