^

Probinsiya

‘Nanay Omil’ sinamahan ng libong Silangueno sa Comelec

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dinumog ng mga tagasuporta at nagmistulang malawakang prayer rally ang senaryo sa Comelec sa Silang, Cavite nang pormal na maghain ang isang dating alkalde ng kanyang certificate of candidacy (COC) kahapon ng umaga.

Ito ay makaraang sabay-sabay na samahan ng mga Silangueno ang kanilang pambatong kandidato na nais maluklok muli bilang alkalde ng Silang na si “Nanay Omil” Poblete. 

Sa video at larawan ng mga nag-post sa kanilang Facebook account, makikitang tila hindi alintana ang init ng mga supporters ni Poblete bagkus ay galak na galak sila at ang iba ay sumasayaw pa malapit sa tanggapan ng Comelec.

“Ay talagang nagpumilit kami sumama. Nagpagawa din kami ng tshirts ng gaya sa ibang suporters ni Mayor Omil. Talagang nais namin siya bumalik at maibalik din ang sigla ng Silang,” sabi ng isang Linda na vendor sa Silang.

Kahit wala na sa tungkulin, inuulan pa rin ng papuri ang dating alkalde dahil sa patuloy pa rin na pangangamusta at pagtulong nito sa mga residente.  

“See you soon mga mahal kong Silangueno. Talagang hindi ko kaya kayong tiisin. Kaya sama-sama tayo sa laban ng ikakauunlad ng Silang. Salamat po sa inyong pagmamahal at tiwala,” pahayag ni Poblete.

vuukle comment

COMELEC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with