^

Probinsiya

P5 milyong pabahay sa katutubong Ata-Manobo, kaloob ng NHA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pormal nang naipagkaloob ng National Housing Authority (NHA) ang P5-milyong tseke sa bayan ng Talaingod para sa Balai Himulayanan Housing Project sa Davao del Norte.

Ayon kay NHA Assistant General Manager Alvin Feliciano, ang natu­rang pondo ay ibinigay kay Talaingod Mayor Jonnie Libayao bilang bahagi ng pangalawang tranche ng kabuuang P20 milyong pondo para sa pagpapatayo ng 100 pabahay sa mga miyembro ng katutubong Ata-Mano­bo sa Sitio Lomondong, Brgy. Dagohoy, Talaingod, Davao del Norte.

 Sa ilalim ng Hou­sing Assistance Program for Indigenous Peoples (HAPIP), pinagkaloob ng  NHA nang libre ang Balai Himulayanan sa mga pamilyang Ata-Manobo bilang benepisyaryo ng Pabahay kung saan ang bawat tahanan ay nagkakahalaga ng P200,000.

 Samantala, may 1,900 Dabawenyo ang nagbenepisyo sa isinagawang “People’s Caravan: Serbisyong Dala ay Pag-asa” ng NHA sa municipal ground, LGU-Magsaysay Davao del Norte. Ang mga benepisyaryo ay mula sa 14 resettlement sites ng Magsaysay Permanent Housing Project ng ahensiya.

Katulong ng NHA sa Caravan ang DOH, PNP, DOLE, Public Employment Services Office (PESO), Public Attorney’s Office (PAO); PhilHealth, SSS, Pag-IBIG Fund, PCSO, DMW, OWWA, Cooperative Development Authority (CDA) at Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD); at onsite internet connectivity ng Department of Information and Communication Technology (DICT) gayundin ang NBI, DA- BFAR at BPI , DSWD, LTO , PSA at iba pa.

NHA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with