^

Probinsiya

Bus at van nagsalpukan: 3 dedo, 29 sugatan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Bus at van nagsalpukan: 3 dedo, 29 sugatan
Matiyagang naiangat ng mga tauhan ng Misamis Oriental-1 Rural Electric Service Cooperative, Inc. (MORESCO-1) ang nahulog na bus na may sakay na 32 katao makaraang bumangga sa isang freezer van. Tatlo ang nasawi habang 29 ang sugatan sa insidente sa Naawan, Misamis Oriental kahapon ng madaling-araw.
Gerry Lee Gorit

MANILA, Philippines —Tatlo katao ang kumpirmadong patay habang 29 na pasahero ang sugatan kabilang ang tatlong nasa kritikal na kondisyon matapos magbanggaan ang isang pampasaherong bus at isang refrigerated wing van sa kahabaan ng highway ng Naawan, Misamis Oriental kahapon ng madaling araw.

Kinilala ng Naawan Police Station ang dalawa sa mga nasawi na sina Jasper Haim at Anthony Reyes habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng isa pang lalaking nasawi.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang aksidente dakong alas-1:38 ng madaling araw sa Purok 1, Brgy. Maputi, Naawan, Misamis Oriental.

Sa ulat, habang bumabagtas ang The Super 5 bus na nagmula sa Cagayan de Oro City at patungong Dipolog City sa naturang lugar nang mapansin ng driver na may biglang batong inihagis sa kanilang sasakyan. Dahil dito, bigla niyang iniwasan at nagpalit umano ng linya ang bus na sanhi upang bumangga sa nasabing van.

Dahil sa matinding salpukan, nahulog ang bus na may sakay na 51 kataon sa isang bangin sa tabi ng highway.

Hawak na ng pulisya ang freezer van maging ang driver nito na si Jolly Pilones Mangipol na nahaharap sa kaukulang kaso.

ANTHONY REYES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with