^

Probinsiya

Pulis nagbenta ng assault rifles sa kabaro, timbog

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Pulis nagbenta ng assault rifles sa kabaro, timbog
Iprinisinta sa media ang dalawang M16 assault rifles na nakumpiska sa isang aktibong pulis nang ibenta ito sa kapwa pulis na nagpanggap na buyer sa isang entrapment operation sa Barangay Rosary Heights 13 sa Cotabato City.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Arestado ang isang pulis matapos magbenta ng dalawang M16 assault rifles sa mga kapwa pulis sa isang entrapment operation sa Barangay Rosary Heights 13 dito sa lungsod nitong Miyerkules.

Sa ulat kahapon ni Police Lt. Col. Ariel Huesca, regional chief ng Criminal Investigation and Detection Group-Bangsamoro Autonomous Region, nasa kustodiya na nila ang suspect na pulis na may ranggong Master Sergeant na kasapi ng Sultan Kudarat Municipal Police Station.

Nakumpiska ng CIDG-BAR agents mula sa suspek pulis ang dalawang M16 assault rifles at mga bala na kanyang ibinenta sa kanila sa halagang P160,000.

Ayon kay Huesca, ang suspect, hindi muna pinangalanan ang naarestong pulis dahil inaalam pa kung sinu-sino ang kanyang mga kasabwat.

vuukle comment

ARESTADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with