^

Probinsiya

Taga-Laguna wagi ng P30.2 milyon sa MegaLotto

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Taga-Laguna wagi ng P30.2 milyon sa MegaLotto
Ayon sa PCSO, matagumpay na nahulaan ng lotto winner ang winning combination na 01-23- 20-16-27-03 na may katumbas na jackpot prize na P30,221,261.80.
Philstar.com / Hazel Cruz

MANILA, Philippines — Inianunsiyo ng Philip­pine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na isang taga-Laguna ang pinalad na magwagi ng tumataginting na P30.2 milyong jackpot prize ng MegaLotto 6/45 na binola kamakalawa ng gabi.

Ayon sa PCSO, matagumpay na nahulaan ng lotto winner ang winning combination na 01-23- 20-16-27-03 na may katumbas na jackpot prize na P30,221,261.80.

Nabili umano ng lucky winner ang kanyang lucky ticket sa West Drive, Trade Cen­ter, Calamba, Laguna.

Pinayuhan ni PCSO General Manager Mel Robles ang lucky winner na upang makubra ang kanyang premyo ay magtungo lamang sa kanilang punong tanggapan sa Mandaluyong City.

Kailangan din aniya nitong iprisinta ang kanyang winning ticket at dalawang balidong IDs.

Ang MegaLotto 6/45 ay binubola tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.

vuukle comment

LOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with