^

Probinsiya

Umbagerong mister, kinatay ng live-in partner!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Umbagerong mister, kinatay ng live-in partner!
Naisugod pa sa Margarito Duavit Memorial Hospital ang biktimang si Ryan Lozano, 29, tricycle driver at residente ng Kabilang Ibayo, Brgy. Wawa, Tanay, ngunit binawian din ng buhay bunsod ng mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
STAR/File

MANILA, Philippines — Dahil sa ginawang pagbubugbog makaraang umuwing lasing, patay ang isang mister nang tadtarin ng saksak ng kanyang kinakasama sa loob ng kanilang tahanan sa Tanay, Rizal, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Naisugod pa sa Margarito Duavit Memorial Hospital ang biktimang si Ryan Lozano, 29, tricycle driver at residente ng Kabilang Ibayo, Brgy. Wawa, Tanay, ngunit binawian din ng buhay bunsod ng mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Arestado naman ang suspek na kinilala lang sa alyas na “Mary”, 29-anyos, at mahaharap sa kasong homicide sa piskalya.

Batay sa ulat ng Tanay Municipal Police, alas-8:00 ng gabi ng Linggo nang maganap ang krimen sa loob ng tahanan ng mag-live-in partner ngunit kamaka­lawa lamang ito iniulat sa kanilang tanggapan.

Lumilitaw sa imbestigasyon na bago ang krimen ay umuwi umano sa kanilang bahay ang biktima nang lasing at sa ‘di pa batid na kadahilanan ay binugbog ang kanyang kinakasama.

Hindi naman ito pinalampas ng babae at nang makahanap ng pagkakataon ay kaagad na kumuha ng patalim at walang habas na pinagsasaksak ang kanyang “mister” na nagresulta sa agaran nitong kamatayan.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with