^

Probinsiya

3 todas, pulis sugatan sa Cotabato encounter

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Patay ang tatlong miyembro ng isang private armed group habang sugatan naman ang isang pulis sa isang engkwentro nitong Martes sa Barangay Palkan sa Polomolok, South Cotabato.

Sa ulat nitong Miyerkules ng Polomolok Municipal Police Station kay Brig. Gen. Percival Augustus Placer, director ng Police Regional Office-12, agad na nasawi sanhi ng naturang engkwentro sina Ronnie Romano, Harold Pasaquian at Yokh Dajay na nakunan ng dalawang M1 Carbine rifles at isang M16 assault rifle.

Isa sa mga kasama ng tatlo, si Nestor Espelon, ay naaresto matapos ang insidente at nakumpiskahan din ng baril at mga bala.

Ayon sa mga local government officials sa Polomolok, ang nasawi na sina Romano, Pasaquian at Dajay ay kabilang sa isang private armed group na nagbibigay proteksyon sa isang may-ari ng lupa sa naturang bayan na may mga kinakaharap diumano na mga land ownership cases.

Sumiklab ang engkuwentro nang paulanan ng bala ng tatlong ‘di kilalang suspek nang kanilang paputukan ang mga kasapi ng Polomolok Police Station at mga miyembro ng Special Action Force na naatasang alamin ang ulat ng mga residente ng Palkan hinggil sa kanilang paglilibot sa isang liblib na lugar sa naturang barangay na may mga bitbit na assault rifles.

Bumulagta sa barilan ang tatlong suspek habang bahagyang nasugatan ang isa sa grupo ng mga awtoridad na si Police Chief Master Sgt. Jonathan Boiser.

vuukle comment

SOUTH COTABATO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with