^

Probinsiya

Grupo ng mangingisda pinagbabaril ng tauhan ng BFAR: 1 utas, 3 grabe

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

Hinihinalang sangkot sa illegal fishing

RAGAY, Camarines Sur, Philippines — Patay ang isang 30-anyos na mangi­ngisda habang sugatan ang tatlong kasamahan nito matapos pagbabarilin ng isang tauhan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) makaraang pagdudahang iligal na nangi­ngisda sa Ragay Gulf sa sakop na lugar ng Brgy. Lower Omon, Ragay, Camarines Sur noong nakaraang Biyernes.

Nakaburol ngayon dahil sa tinamong punglo ang biktima na kinilalang si Virgilio Aguaviva, may-asawa, residente ng naturang lugar habang inoobserbahan sa pagamutan ang tatlo pang mangingisda na sina Raffy Alvarez, 60-anyos; Reynaldo Aryate; at Epifanio Mercado; na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Kalaboso at sinampahan na ng kasong murder, frustrated murder at attempted murder ang suspek na si Joseph Olayon, agriculturist ll at nakatalaga sa Enforcement Division ng BFAR.

Sa ulat, alas-8 ng umaga nang magkaroon umano ng anti-illegal fishing ang mga tauhan ng BFAR kasama si Olayon laban sa iligal na pangingisda ng grupo ng mga biktima gamit ang tinatawag ng mga locals na “boli-boli” na gamit ang fine fish net.

Nang sitahin umano ng mga tauhan ng BFAR ang mga mangingisda, tumakas ang mga biktima lulan ng bangka kaya napilitan umanong magpaputok at paulanan ng bala ni Olayon ang bangka ng mga mangingisda sanhi upang masapol ng mga bala ang mga biktima.

Mabilis namang sinaklolohan ng mga residente ang mga biktima at isinugod sa Ragay District Hospital pero idineklarang dead-on-arrival si Aguaviva.

Ilan sa mga sugatan ay inilipat sa Bicol Medical Center sa Naga City dahil sa maselang kalagayan.

Matapos ang pamamaril, sumuko sa mga rumespondeng pulis ang suspek dala ang 12-gauge shot gun na kanyang ginamit sa pamamaril sa mga ma­ngingisda.

vuukle comment

BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with