^

Probinsiya

Mag-asawang drug den operators, 6 pa timbog

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Mag-asawang drug den operators, 6 pa timbog
Sa pahayag nitong Lunes ni Aileen Lovitos, director ng Philippine Drug Enforcement 12, hindi na pumalag pa si Rafael Cadungog Batomalaque, ang misis nyang si Catherine at ang kanilang kasabwat na si Joseph Librea Andresio nang arestuhin ng PDEA-12 agents na kanilang nabentahan ng shabu sa labas lang ng kanilang drug den sa Barangay Cabaruyan.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

COTABATO CITY, Philippines — Arestado ang mag-asawa na sinasabing drug den operators at anim na iba pa sa isang entrapment operation nitong Biyernes sa Barangay Cabaruyan, Libungan, Cotabato na nagresulta sa pagkasamsam ng P91,000 na halaga ng shabu.

Sa pahayag nitong Lunes ni Aileen Lovitos, director ng Philippine Drug Enforcement 12, hindi na pumalag pa si Rafael Cadungog Batomalaque, ang misis nyang si Catherine at ang kanilang kasabwat na si Joseph Librea Andresio nang arestuhin ng PDEA-12 agents na kanilang nabentahan ng shabu sa labas lang ng kanilang drug den sa Barangay Cabaruyan.

Limang iba pa na kinilalang sina Ken Escropolo Cadungog, Romelo Nielles Demonteverde, Noel Andrada Bayona, Japhet Diaz Ignacio at Crisanto Lariosa Dialogo, ang ina­resto rin ng PDEA-12 agents nang maaktuhang sumisinghot umano sila ng shabu sa isang kuwarto sa tahanan ng mga Batomalaque na ginawa nilang drug den na dinadayo ng mga sugapa sa illegal na dorga mula sa iba’t ibang barangay.

Ayon kay Lovitos, malaki ang naitulong sa kanila ng mga barangay officials ng Cabaruyan at ng local government ng Libungan sa paglatag ng entrapment operation laban sa mag-asawang Batolaque na nagresulta sa kanilang pagkaaresto at ng anim na iba pa, na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with