^

Probinsiya

Bulkang Taal patuloy ang pag-aalburoto, publiko pinaalalahanan ng Phivolcs

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Bulkang Taal patuloy ang pag-aalburoto, publiko pinaalalahanan ng Phivolcs
Sa latest bulletin ng Phivolcs, umabot sa 3,355 na toneladang volcanic sulfur dioxide (SO2) gas o asupre ang inilabas ng Bulkang Taal bukod sa patuloy na upwelling ng mainit na volcanic fluids sa Main Crater Lake.
Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST) / Facebook Page

MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismo­logy (Phivolcs) ang publiko kaugnay sa patuloy na pag-aalburoto at pagbuga ng asupre ng Bulkang Taal sa lalawigan ng Batangas.

Sa latest bulletin ng Phivolcs, umabot sa 3,355 na toneladang volcanic sulfur dioxide (SO2) gas o asupre ang inilabas ng Bulkang Taal bukod sa patuloy na upwelling ng mainit na volcanic fluids sa Main Crater Lake.

Ayon sa Phivolcs, naobserbahan din nila ang malakas na pagsingaw sa bulkan na may 2,600 metrong taas at napadpad sa hilagang-kanluran.

Sa kabila nito, walang naitalang volcanic tremor sa bulkan.

Patuloy namang pinag-iingat ng ahensya ang publiko dahil maaaring makaapekto sa kalusugan ang nailuluwang vog o volcanic smog mula sa mataas na konsentrasyon ng sulfur dioxide sa bulkan.

Unang nilinaw ng Phivolcs na local pollutants at hindi volcanic smog o vog ang dahilan ng mabababang kalidad ng hangin sa Metro Manila. 

Ang bulkang Taal ay nananatiling nasa status na Alert level 1.

vuukle comment

PHIVOLCS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with