^

Probinsiya

P5K sahod ng kasambahay sa BARMM, inaprub

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Itinaas na sa P5,000 ng Bangsamoro multi-sector wage board ang dapat na buwanang sweldo ng mga domestic workers, o kasambahay sa anim na probinsya at tatlong lungsod sa autonomous region.

Nilagdaan nitong Lunes nila Minister Muslimin Sema ng Ministry of Labor of Employment-Bangsamoro Autonomous Region at anim na mga kasapi ng Bangsamoro Wages and Productivity Board (BTWPB), ang naturang wage order na nag-aatas sa mga employers ng domestic workers na suwelduhan ng P5,000 ang bawat manggagawa na nagtatrabaho para sa kanila-kanilang mga pamilya.

Sa pahayag ni Sema nitong Martes, nagsagawa muna sila ng ekstensibong konsultasyon sa iba’t ibang sektor sa BARMM hinggil sa naturang panukalang wage order bago ito ina­prubahan ng BTWPB sa isang seremonya sa regional office ng MoLE-BARMM sa Cotabato City nitong umaga ng Lunes.

Kabilang sa mga lumagda sa naturang wage order ang mga BTWPB members na sina Jonathan Acosta at Norlyn Odin, parehong mga workers’ representatives; Anwar Malang at Haron Bandila na mga employers’ representatives; Bangsamoro Planning Director Mojahirin Ali at Regional Trade, Investments and Tourism Minister Abuamri Taddik na mga vice chairpersons ng naturang wage board.

Ayon kay Sema, bukas ang kanilang mga tanggapan sa anim na probinsya at tatlong lungsod sa BARMM sa mga may katanungan hinggil sa bagong wage order na nagtatalaga ng P5,000 na buwanang suweldo ng mga domestic workers sa autonomous region. 

EMPLOYMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with