^

Probinsiya

2 patay sa habagat, higit 60K na pamilya apektado — NDRRMC

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
2 patay sa habagat, higit 60K na pamilya apektado � NDRRMC
Sa report ng NDRRMC, isa sa mga nasawi ay mula sa Northern Mindanao na isang 47-anyos na babae na natagpuang lumulutang sa Pulangi River sa Kabacan, North Cotabato habang ang isa ay sa Davao Region na patuloy pang bineberipika.
STAR/File

MANILA, Philippines — Dalawa katao ang naitalang nasawi habang mahigit 60,000 pamilya ang naapektuhan sa malalakas na pag-ulan na epekto ng southwest monsoon o habagat sa Mindanao, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Lunes.

Sa report ng NDRRMC, isa sa mga nasawi ay mula sa Northern Mindanao na isang 47-anyos na babae na natagpuang lumulutang sa Pulangi River sa Kabacan, North Cotabato habang ang isa ay sa Davao Region na patuloy pang bineberipika.

Samantala, nasa 60,841 na pamilya mula sa 310 barangay sa rehiyon ng Zamboanga Penin­sula, Northern Mindanao, Davao Region, SOCCSKSARGEN (South Cotabato, Cotabato City, Sultan Kudarat, Sarangani at General Santos City) at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang apektado ng malalakas na pag-ulan na nagdulot ng mga pagbaha at landslide simula pa noong nakalipas na linggo.

Sa nasabing bilang, nasa 4,767 pamilya ang kinakanlong sa may 55 evacuation centers habang ang iba pa ay pansamantalang nanuluyan sa kanilang mga kaibigan at mga kamag-anak.

Ang lokal na pamahalaan ay namahagi ng relief goods sa mga naapektuhang pamilya sa mga evacuation centers.

Nasa 73 namang mga kabahayan ang napinsala kabilang dito ang 43 bahagyang nasira at 30 ang tuluyang nawasak.

Umaabot na sa P17,879,687 ang halaga sa agrikultura ang napin­sala sa Zamboanga at Northern Mindanao habang sa imprastraktura ay nasa P700,000 sa Northern Mindanao, Davao at SOCCSKSARGEN.

Pansamantala namang sinuspinde ang domestic flights ng mga eroplano sa Zamboanga City dahil ultimong ang runway ng paliparan ay napuno ng tubig-baha. Ang mga communications lines sa lungsod ay iniulat din na nagkaroon ng aberya.

vuukle comment

NDRRMC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with