^

Probinsiya

Konsehal sa Bulacan binaril sa loob ng opisina, nakaligtas

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Konsehal sa Bulacan binaril sa loob ng opisina, nakaligtas
Stock image of a gun.
Image by Rudy and Peter Skitterians from Pixabay

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Himalang nakaligtas sa kamatayan ang isang konsehal ng bayan matapos siyang barilin ng isa sa dalawang ‘di pa nakikilalang suspek na pumasok sa kanyang tanggapan at nagkunwa­ring uupa ng stall sa loob ng commercial building sa Brgy. Camias, San Miguel, Bulacan, ka­makalawa ng umaga.

Kinilala ni OIC Bulacan Provincial Director Col. Satur Ediong, ang biktima na si San Miguel Municipal Councilor Richard dela Cruz.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na dakong alas-10:04 ng umaga nang magsadya ang isa sa mga suspek sa commercial building ng biktima at nagpanggap na uupa sa isa sa mga stalls ng konsehal sa Brgy. Camias.

Habang nag-uusap ang dalawa, binaril ng isa sa mga suspek si Dela Cruz ngunit hindi ito tinamaan at nakaiwas ang biktima sa pag-atake habang agad namang sumakay ang mga suspek sa kanilang kulay orange na Yamaha Mio na motorsiklo at tumakas.

Nag-flash alarm ang mga operatiba ng San Miguel Police laban sa mga suspek at nagsagawa ng follow-up ope­rations habang hiniling sa Bulacan Police Forensic Unit na iproseso ang pinangyarihan ng krimen.

vuukle comment

CRIME

GUN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with