^

Probinsiya

Bahay ni-raid: Negosyante timbog sa sandamakmak na armas, bala

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Arestado ang isang negosyante matapos na makumpiska sa kanyang pag-iingat ang napakaraming uri ng matataas na kalibre ng baril, mga bala at iba pang kagamitan sa ikinasang raid ng mga awtoridad sa kanyang bahay kama­kalawa sa Brgy. Bagbag, Tanauan City, Batangas.

Patung-patong na kaso ang kakaharapin ng negosyanteng kinilala lang sa alyas “Jose”, nasa hustong gulang.

Sa ulat ng pulisya, alas-5:20 ng mada­ling araw sinimulan ng pinagsanib na puwersa ng Police Intelligence Unit (PIU) ng Batangas Police Provincial Police Office (PPO), SWAT-BPPO, Regional Mobile Force Battalion (RMFB) 403rd at Tanauan Police, ang kanilang operasyon laban sa suspek.

Bitbit ng grupo ang isang search warrant sa paglabag sa RA 10591 na inisyu ni Judge Judge Nevic C. Adolfo ng Regional Trial Court (RTC) Branch 83, Ta­nauan City, Batangas, sinalakay ang bahay ng suspek at dito nadatnan ang mga nakaimbak na napakara­ming armas at bala sanhi upang siya ay arestuhin.

Nasa kustodya na ng pulisya ang suspek habang inihahanda ang paghahain sa kanya ng mga kasong criminal.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with