^

Probinsiya

Nakagapos na bangkay ng babae, isinilid sa sako!

Ed Amoroso, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Nakagapos na bangkay ng babae, isinilid sa sako!
Patuloy pang ­inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktima na nakagapos gamit ang duct tape at nakalagay ang bangkay nito sa sako.
STAR / File

MANILA, Philippines — Naaagnas na ang bangkay ng isang babae na nakagapos at nakasilid sa isang sako nang matagpuan ng mga awtoridad sa bahagi ng Bay, Laguna, nitong Biyernes ng gabi.

Patuloy pang ­inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktima na nakagapos gamit ang duct tape at nakalagay ang bangkay nito sa sako.

Ipinatawag ng mga awtoridad ang isang pamilya na unang dumulog sa kanila dahil nawawala umano ang kaanak nilang babae.

Sinabi ng pulisya na isinailalim na sa DNA testing ang bangkay at na-cremate na rin.

Tumanggi munang magbigay ng pahayag ang pamilya habang hinihintay pa ang resulta ng DNA test.

Hawak naman ng pulisya ang dalawang “persons of interest” habang pinaghahanap ang iba pang posibleng kasabwat sa pagpatay sa biktima.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya sa kaso.

vuukle comment

DNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with