^

Probinsiya

Lalaking wanted nanutok ng babae, todas sa shootout

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Lalaking wanted nanutok ng babae, todas sa shootout
Kinilala ang suspek na si alyas Jhunel, nasa hustong gulang residente ng nasabing lugar.
STAR/File

CAVITE, Philippines — Patay matapos makipagbarilan sa pulis ang isang suspek na inireklamo sa panunutok ng babaeng kalugar sa follow-up operations ng pulisya kamakalawa sa Soldiers Hills Brgy. Molino 6, Bacoor City.

Kinilala ang suspek na si alyas Jhunel, nasa hustong gulang residente ng nasabing lugar.

Sa ulat ng pulisya, alas-9:40 ng umaga ng mag­reklamo ang biktimang si Jovelyn De Luna, nasa hustong gulang, hinggil sa di umanoy tinutukan ito ng baril ng suspek.

Agad na rumesponde sa lugar ang mga opera­tiba ng SWAT (Special Weapon and Tactics) team at SSOU (Station Special Operations Unit) ng Bacoor City Police at pupunta sana sa bahay ng suspek subalit nang papalapit na sa lugar ay sinalubong sila ng sunud-sunod na putok mula sa suspek.

Dito na nagkaroon ng habulan at nauwi sa engkuwentro hanggang sa mapatay ang suspek.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, napag-alaman na sangkot pala ang suspek sa mga sunud-sunod na pamamaril at wanted sa mga kasong criminal sa Bacoor kabilang na ang mga kasong murder, alarm and scandal, attempted murder, paglabag sa Sections 6, 7, 11, 12, 13 & 14 ng RA 9165, at iba pang kaso.

vuukle comment

BACOOR CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with