^

Probinsiya

Motor inararo ng mixer truck: Lady nurse pisak

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Motor inararo ng mixer truck: Lady nurse pisak
Halos mapisak ang buong katawan ng biktima na dead-on-arrival sa pagamutan na si Olivia May Marcelo Natanauan, 30-anyos, residente ng Teachers Compound, CAA, Las Piñas City.
STAR/File

CAVITE, Philippines — Patay ang isang company nurse makaraang maararo ng isang mixer truck ang motorsiklo na minamaneho ng biktima at nagulungan pa ito habang kapwa bumabagtas sa Aguinaldo Highway sa Brgy. Tubuan 1, bayan ng Silang, kamakalawa.

Halos mapisak ang buong katawan ng biktima na dead-on-arrival sa pagamutan na si Olivia May Marcelo Natanauan, 30-anyos, residente ng Teachers Compound, CAA, Las Piñas City.

Hawak naman ng pulisya ang suspek na si alyas “Jun”, 23-anyos, driver ng mixer truck, at residente ng Brgy. Acacia, Silang, Cavite.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-12:34 ng hapon nang maganap ang insidente, minamaneho ng biktima ang kaniyang motorsiklong Yamaha NMAX 155 na may plate number 594 TAO at bumabagtas sa nasabing highway at patungo ng north direction.Kasabayan nito ang Sinotruk Mixer Truck na kulay puti at may plate number NHF 9388 na minamaneho ng suspek nang kumabig umano ito pakanan dahilan upang masagi nito ang biktima at tuluyang naararo.

Pagkasemplang ng biktima ay nasagasaan pa siya ng truck ng suspek. Pagdating ng Silang Rescue ay agad itinakbo sa pagamutan ang biktima subalit dahil sa tindi ng pinsalang tinamo nito ay hindi na umabot pang buhay.

Kasalukuyan nang nakakulong ang driver ng mixer truck at nahaharap sa patung-patong na kaso.

vuukle comment

CAVITE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with