Bebot dumalaw sa piitan, P.7 milyong droga sinalpak sa ari
PAGBILAO, Quezon, Philippines — Kulungan ang binagsakan ng isang babaeng dadalaw lamang sana sa kaibigang Persons Deprived of Liberty (PDL) matapos na ito ay makumpiskahan ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P700,000.00 na nakalagay sa kanyang ari at tangkang ipuslit papasok sa BJMP District Jail sa Barangay Talipan, sa bayang ito, kamakalawa ng hapon.
Kinasuhan ng paglabag sa RA 9165 ang suspek na si alyas Charmaine, 41, at residente ng Barangay 5 Lucena City.
Ayon sa ulat, bandang alas-2:30 ng hapon ay dadalaw sana sa kaibigang nakapiit sa nasabing kulungan ang suspek subalit nang dumaan ito sa Center Processing Center upang isailalim sa pagsusuri ang mga dala nitong pagkain ay kinakitaan ito ng pagkabalisa ni JO2 Every Regio Escobilla.
Sa pagsasagawa ng body search ay nadiskubre buhat sa loob ng maselang parte ng katawan ng suspek ang isang maliit na plastic na nababalutan ng kulay itim na electrical tape.
Nang siyasatin ng mga pulis na tinawagan ng BJMP operatives ay nakumpirmang iligal na droga ang nakabalot sa plastic at tumitimbang ng 38.77 grams at may stree price na P790,908.
- Latest