2 batang nawawala, natagpuang patay sa kotse!
MANILA, Philippines — hinagpis ang nararamdaman ngayon ng mga magulang ng dalawang menor-de-edad na unang iniulat na nawawala matapos silang matagpuang kapwa patay na sa loob ng isang kotse sa Pampanga.
Ang magkapatid na biktima na itinago sa pangalang Kris, 5 anyos at Topee, 6-anyos ay natagpuan sa loob ng nakaparadang kotse sa garahe sa Barangay Moras dela Paz, Sto. Tomas, Pampanga.
Batay sa inisyal na ulat ng Sto. Thomas Police, ang mga biktima ay iniulat ng mga kaanak na nawawala nitong July 6, 2024
Agad namang inaksyunan ng pulisya ang ulat na humantong sa pagkakatagpo sa mga bangkay ng dalawang bata.
Sa kasalukuyan, patuloy ang imbestigasyon ng PNP sa sanhi ng pagkamatay ng magkapatid at paano sila nagpunta sa nasabing sasakyan.
- Latest