3 teroristang Dawlah todas sa engkuwentro!
MANILA, Philippines — Patay ang tatlong hinihinalang miyembro ng Dawlah Islamiyah-Maute terrorist group nang makaengkuwentro ang tropa ng mga sundalo sa bayan ng Munai, Lanao del Norte nitong Sabado.
Sa ulat ni Brig. General Yegor Rey Barroquillo Jr., Commander ng 103rd Infantry Brigade ng Philippine Army, nagkasagupa ang kanyang mga tauhan at pitong miyembro ng DI-MG nitong Sabado ng umaga sa Barangay Lindongan sa bayan ng Munai na nagresulta sa pagkasawi ng tatlong terorista.
Sugatan naman sa engkuwentro ang isang sundalo at ngayon ay nasa maayos nang kondisyon.
Lumilitaw na nagsasagawa ng operasyon ang mga sundalo sa lugar nang makasagupa ng mga ito ang mga miyembro ng DI-MG na pinamumunuan nina Nasser Daud at Abu Jihad dahilan ng engkwentro.
Tumagal ng ilang minuto ang palitan ng putok at napuruhan ang tatlo habang nakatakas ang kanilang mga kasamahan.
Ilang malalakas na kalibre ng baril, bala, magazine at communication equipments ang narekober sa clearing operations sa lugar ng engkuwentro.
“Our forces’ unwavering dedication to safeguarding our communities and maintaining peace and security in the region is demonstrated by our encounter with the DI-MG. The brigade will continue to work tirelessly to eliminate terrorist threats and maintain peace in our area of responsibility,” ani Barroquilo.
- Latest