^

Probinsiya

CAFGU, kaanak pinasok, tinodas ng tandem

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LUPI, Camarines Sur, Philippines — Kapwa bulagta sa loob ng kanilang kantina ang isang kasapi ng Citizen Armed Geographical Unit o CAFGU, at kaanak nang pasukin at pagbabarilin ng dalawang armado sa Zone-3, Brgy.Colacling, Lupi, Camarines Sur ka­makalawa ng gabi.

Napuruhan ng punglo sa iba’t ibang bahagi ng katawan at agad nasawi ang mga biktima na kinilalang sina Dario, 65-anyos at ang CAFGU member na si alyas “Bombay”, 38-anyos, kapwa residente ng naturang lugar.

Sa ulat, alas-6:10 ng gabi habang nasa loob ng kanilang canteen at nanonood ng telebisyon si Dario nang biglang pumasok ang dalawang hindi nakilalang lalaki na armado ng hindi malamang kalibre ng baril. Sa hindi malamang dahilan ay walang kaabog-abog na pinagbabaril ng mga salarin ang matanda. Dahil sa narinig na mga putok habang nasa kusina ay napasugod si Bombay pero pati siya ay pinagbabaril din ng mga suspek. 

Mabilis na rumesponde ang mga tauhan ng Lupi Municipal Police Station pero hindi na inabutan ang tumakas na mga suspek.

vuukle comment

CAFGU

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with