Bayan sa Nueva Vizcaya sinuspinde ang klase dahil sa init ng panahon
MANILA, Philippines — Sinuspinde ng local official sa bayan ng Solano, Nueva Vizcaya ang mga klase mula sa kindergarten hanggang high school ng pribado at publikong paaralan kahapon dahil sa sobrang init ng panahon at kawalan ng suplay ng kuryente.
Ayon kay Solano Vice Mayor Eduardo Tiongson na kaya nila ginawa ang pagsuspinde ng klase dahil sa sobrang init ng panahon at kondisyon ng suplay ng kuryente kung saan ay nakakaranas ang mga estudyante ng pagdurugo ng ilong at pananakit ng ulo habang ang ilang guro ay nakakaranas ng hypertension.
Anya, ang pagsuspinde ay base sa Department of Education Order 037 na pinapayagan ang local government units na magsuspinde ng mga klase o magbawas ng oras.
Pinaplano nilang irekomenda ang kalahating araw na face-to-face classes at another kalahating araw sa online o modular classes.
- Latest