^

Probinsiya

Storm surge hahambalos sa Luzon! – PAGASA

Joy Cantos, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Storm surge hahambalos sa Luzon! – PAGASA
This Facebook post from PAGASA shows a satellite image of Super Typhoon Pepito, which made landfall in the vicinity of Panganiban, Catanduanes at 9:40 p.m. on Nov. 26, 2024.
PAGASA via Facebook

MANILA, Philippines — Pinag-iingat ng Phi­lippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Service Admi­nistration- Department of Science and Technology (PAGASA-DOST) ang mga nasa Luzon sa ina­asahang pagtama ng storm surge o daluyong na may taas na 2.1-3 metro dahil sa patuloy na pananalasa ng super typhoon Pepito.

Sa inilabas na Storm Surge Warning No.10 ng PAGASA sa Tropical Cyclone Pepito kahapon, nagpapahiwatig ng mataas na panganib ng storm surge sa iba’t ibang coastal areas sa susunod na 48 oras.

Nitong Sabado ng umaga, dumanas na ng storm surge ang mga baybaying lugar sa mga lalawigan ng Albay, Cama­rines Sur, Camarines Norte at Catandua­nes, ayon sa Office of Civil Defense (OCD) Region V kahapon.

Nagdulot ng pagbaha sa Tagas Boulevard sa Brgy. Tagas, San Jose, Camarines Sur, ang storm surge na umabot hanggang sa kalsada at may taas ng hanggang 3-metro o higit pa.

Inihayag naman ni Edgar Posadas, Spokesperson ng Office of the Civil Defense (OCD), 11 sa kabuuang 16 bayan sa Catanduanes ay dumanas ng storm surge.

Sa pagtaya, mahigit 3 metro ang taas ng tubig na dulot ng storm surge ang mararanasan din sa mga probinsiya ng Pangasinan, Aurora, at Quezon na malapit sa baybayin.

Posible rin itong maranasan sa iba pang lugar sa Bataan, Batangas, Cavite, Ilocos Sur, Isabela, La Union, Marinduque, Masbate, ­ilang bahagi ng Metro Manila, natitirang bahagi ng Pangasinan, natitirang bahagi ng Que­zon, ilang bahagi ng Sorsogon, at Zambales.

Ayon sa PAGASA, ang storm surge ay ma­aring umabot sa sukat na 2.1 metro hanggang 3 metro.

Ang mga lugar naman sa Bataan, Bulacan, Ilocos Norte, Navotas, Pampanga, at ilan ding bahagi ng Sorsogon ay makararanas ng daluyong na aabot naman sa 1 o 2 metro ang taas.

PAGASA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with